Your Hugot Horoscope this 2018

0
303
views


Aries (March 21-April 19) Willing to wait?

Magke-crave ka ng pagkain at pupunta sa fastfood. Tatanungin ka ng crew kung “willing to wait?” Pero s’yempre, buti pa ang order mo may oras…s’ya walang certainty. Hihintayin mo pa rin ba s’ya kahit walang kasiguraduhan?

Taurus (April 20-May 20) Enough is enough.

“It’s not you, it’s me…” “I need to find myself muna.” “I don’t deserve you…” isa sa mga linyang ‘yan ang gagamitin mo o gagamitin sa ’yo. Ihandang mabuti ang naka-stapler mong puso. Unahan mo na para ‘wag masaktan.

Gemini (May 21-June 20) Work. Work. Work.

Marerealize mong wala palang shortcut sa happy ending. Your “forever” depends on how committed you are to make it work. Maroon at white lang ang may forever.

Cancer (June 21-July 22) Mag-ingat sa 5.

Makakatanggap ka ng singko. Uulitin mo ang klase parang pag-ibig mong patuloy na humuhopia — bumabagsak at nahuhulog. May sasalo kaya? Mag-aral ka na lang kaysa humopia.

Leo (July 23-August 22) Disclaimer

Isasama ka n’ya sa barkada outing, wala namang kayo at may “something” lang. Pero hindi ka sure, kaya magpagawa ka ng waiver. Ipanotaryo mo at ipakita sa kanya kung sakaling may ma-fall at masaktan para hindi ka liable.

Virgo (August 23-September 22) Love your eyes.

Lalabo ang mata mo dahil nagmamahal ka. Pero s’ya hindi. Ika nga: “Never assume unless otherwise stated.” Punta ka sa EO, love your eyes. Para malinaw mong makita yung sweet at friendly lang at ‘yung talagang may something na.

Libra (September 23-October 22) Tara sa Japan.

Maswerte ka ngayong taon. Mananalo ka ng travel ticket to Japan. Open up and try again. Hindi lahat katulad ng ex mong taga-Japan, who Tokyo for granted.

Scorpio (October 23-November 21) Tagpuan?

“At tumigil ang mundo, nung ako’y tinuro mo.” “Wag kang umasa, hindi ikaw ang panalangin n’yan.” Tandaan, file lang ang na-aattach.

Sagittarius (November 22-December 21) To be or not to be

Matatagpuan mo na ang iyong The One…The One that Got Away. Good luck and happy hunting!

Capricorn (December 22-January 19) Magtigil.

Iiwan ka ng taong nagpapahopia sa’yo. Tandaan: di s’ya kawalan. In the first place, di naman s’ya naging sa ’yo.

Aquarius (January 20 to February 18) Fil101

Magkakaroon ka ng bagong interes sa pag-aaral ng ating wika. Dahil gugustuhin mong alamin ang pagkakaiba ng salitang “nagpapahintay” sa “nagpapaasa.”

Pisces (February 19 to March 20) Bagong Bahay.

Magkakaroon ka ng bagong bahay ngayong taon. Dahil isa kang gongpa, makikita mo ‘yung crush mo sa piling ng iba kasi wala kang guts ipakita kung gaano s’ya kahalaga. Naunahan ka tuloy ng ninja.

 

LEAVE A REPLY