SHS Envergistas, nagtagisan ng husay sa Buwan ng Wika

0
296
views


Nagtagisan ng husay at talino ang mga mag-aaral mula sa Senior High School (SHS) bilang pakikiisa ng Pamantasang Enverga sa pagdiriwang ng Buwan Ng Wika, Agosto 10.

Nagkaroon ng Isahan at Dalawahang Pag-awit, at Madulang Sabayang Pagbigkas na kapwa idinaos sa AEC Little Theater. Ginanap naman ang Pagsulat ng Tula at Sanaysay na sinundan ng Dagliang Talumpati  sa EMRC Main.

Sa Isahang Pag-awit, nakamit ni John Joseph Husan, AD 1A1, ang unang pwesto. Pumangalawa naman si Hannah Solares, ABM 1A4, at sinundan ni Julius Ceszar Oxina, HUMSS 1A7, sa ikatlong puwesto.

Samantala,  nagkampeon ang tandem nina Allysa Coline Alamodin at Charles John Heinrich Roxas, HUMSS 1A3, sa Dalawahang Pag-awit. Nakamit naman nina Nicole Morales at Jean Francine Cada, ICT 1A1 ang pangalawang puwesto, at sina Iriane Nicole Lagrason at Jacqueline Driz ang itinanghal sa pangatlong puwesto.

Napasakamay naman ng grupo ng STEM 1A5 ang kampeonato sa Madulang Sabayang Pagbigkas samantalang pumangalawa ang mga pambato ng HUMSS 1A5. Sinundan sila sa pangatlong puwesto ng pinagsama-samang mag-aaral mula sa STEM 11A4, STEM 1A3 at STEM 1A8.

Para sa mga nagwagi sa Pagsulat ng Tula, nanguna si Shaira Ocan na pinangalawahan ni Brian Floyd Andrewmer Albitos. Pumangatlo naman si Ricelde Marilu Mirafuente.

Nanaig naman sa unang karangalan si Trizha Jovelle Rendiza sa Pagsulat ng Sanaysay, pumangalawa si Hannah Ira Cueto at pumangatlo si Dan Dexter Ramos.

Sa Dagliang Talumpati, nagkampeon si Christian Mijares at sinundan siya nina Marylie Teresita Vergara sa ikalawang puwesto. Samantala, pumangatlo si Sheena Lou Hilario.

Buhat sa temang “Filipino: Wika ng Saliksik,” isinagawa ang mga nasabing  patimpalak ng Kolehiyo ng Sining at Agham na pinangunahan ng Departamento ng Wika at Humanidades.

LEAVE A REPLY