Pangulo ng Unibersidad, kinilalang ‘Education Leadership Awardee’

0
389
views


Muling pinatunayan ng Pamantasang Enverga na nangunguna ito sa Lalawigan ng Quezon pagdating sa paghahatid ng mataas na kalidad ng edukasyon sa bawat mag-aaral matapos makamit ni Madame Naila Leveriza,  pangulo ng Pamantasang Enverga, ang parangal na “Education Leadership Award” na iginawad ng The Philippine Education Leadership Awards sa Dusit Thani Manila, Hunyo 8.

Sumailalim sa pananaliksik ang mga organisasyon na naghain ng maikling listahan ng mga kwalipikadong indibidwal.

Sina Dr. Arun Arora, dating pangulo/CEO ng dyaryong The Economic Times; Dr. Harish Mehta, Chairman ng Onward Technologies Ltd.; Propesor Indira Parikh, pangulo ng Antardisha, India’s Iconic HR Leader; Nina Woodard, konsultant ng Human Resource; Dr. C. M. Dwivedi, Group Chief Human Resource Officer ng Fazlani Group of Companies ang mga bumuo ng panelist na silang naggawad ng nasabing parangal.

Kabilang din sa nasabing panelist sina Dr. Saugata Mitra, Chief People Officer; Dr. R L Bhatia, nagtatag ng World CSR Congress; Dr. Sanjay Muthal, Executive Director ng INSIST Executive Search; at Edward Smith, Chairman ng Awards at Academic Committee, gayundin, ng World Education Congress.

Ibinabahagi ang ganitong pagkilala sa mga indibidwal at institusyon na naglilinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng inobasyon, akademiks, positibong obhektibo, pananaw at epektibong pamumuno.

Simbolo rin ito ng patuloy na pagtitiwala sa Pamantasang Enverga na maghatid ng positibo at pangkalahatang pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon.
Inilahad ito ng World Education Congress, CMO Asia (CMO Council) na binubuo ng mga propesyonal at top marketing executives sa Asya, at Stars of the Industry Group.

LEAVE A REPLY