CCMS, ‘Acer Academy’ na rin

0
341
views


Ganap ng ‘Acer Academy’ ang College of Computing & Multimedia Studies (CCMS) na epektibo ngayong taong panuruan.

Ayon kay G. Rodrigo Belleza Jr., dekano ng nasabing kolehiyo, ang pagiging ‘Acer Academy’ ng CCMS ay isang katiyakan na sunod sa mga pinakabagong uso ang ating pamantasan. Aniya, bahagi ito ng kanilang responsibilidad.

“Bilang bahagi ng aming pangako na magbigay ng de-kalidad na edukasyon sa IT, responsibilidad naming tiyaking nasa track kami ng mga pinakabagong trend na kailangan sa mga industriya. Ang isang paraan upang gawin ito ay upang palakasin ang aming mga ugnayan sa mga kompanyang gaya ng Acer,” paliwanag ni G. Belleza.

Ayon pa kay G. Raymond Bermudez Propesor ng CCMS, bukod sa pagiging Acer Academy nito lamang nakaraang Mayo, tinagurian din ang MSEUF bilang Platinum Member ng Acer.
Bilang Platinum member ng Acer, magbibigay sila ng 30,000 piso para sa mga pang-akademikong gawain sa paaralan, internship sa mga mag-aaral, pagsasanay para sa mga makakapasang aplikante, at isang Information Kiosk sa mga kampus ng Acer Academy na may libreng Acer Veriton All-in-one sa mga PC.

“Ang pagiging Acer Academy [ng CCMS] ay isang karagdagan sa kasalukuyang apat na kompanyang katuwang ng CCMS tulad ng Cisco Networking Academy, SAP Business One Academy, Microsoft Academy at Oracle Academy. Pangunahing kaakibat nito ay ang pag-aambag sa pag-unlad at tagubilin sa kurikulum,” pahayag ni G. Bermudez.

Nagkaroon na rin ng 41 bagong ‘Acer’ computer units ang kolehiyo na nakalagak ngayon sa CL-01 bilang patunay na ‘Acer Academy’ na ito.

Prayoridad umano ng mga bagong computer units ang paggamit ng mga high-end intensive software para sa computing tulad ng graphics at multimedia.

LEAVE A REPLY