15 CalabarzonOS, nagbuklod sa Pamantasang Enverga

0
401
views


Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginanap ang ikawalong Formation and Awarding of the Search for the Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP) Calabarzon sa Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) at sa probinsya ng Quezon, Agosto 16-21.

Labinlimang mag-aaral mula sa iba’t ibang dako ng Rehiyon IV-A ang nagbuklod para sa regional formation at search ng Calabarzon Outstanding Students (CalabarzonOS) sa Unibersidad.

Maliban sa pambato ng MSEUF na si Patricia Adora Alcala, ang 14 pang CalabarzonOS ay sina John Carlo Borja (University of Rizal System-Binangonan), Ckiana Oprah Calaycay (Sacred Heart College), Alyssa De Torres (Batangas State University-Main), Erlyn Joyce Gamil at Glenn Christopher Lambino (Lyceum of the Philippines University-Laguna), Frances Ann Marie Gumapac at Enrico Marco Vergara (De La Salle Lipa), Darla Mae Hasan at Darren Zamudio (University of the Philippines-Los Baños), John Emmanuel Magtibay at Kristel Jade Miranda (First Asia Institute of Technology and Humanities), Georjhia Czarinah Malaluan at Steven Torralba (Lyceum of the Philippines University-Batangas) at Ramon Santiago (University of Rizal System-Angono).

Sumailalim ang mga napiling finalists sa tatlong araw na formation at screening na naglalayong talakayin ang kanilang mga adbokasiya at ipakilala ang kanilang mga sarili bilang isang student leader.

“MSEUF was really accomodating. Sobrang grabe ‘yung nakita kong support ng Enverga University. From the dormitory to the guards. I’ve been hearing about the University since 1st year college, so it’s really good to see it in person. Nakita ko ‘yung support nila sa students at kung paano sila sumuporta sa ganitong causes. Good job,” pagp

uri ni John Carlo Borja, isang finalist mula sa University of Rizal System-Binangonan.
Nasaksihan ng mga CalabarzonOS ang Wreath Laying Ceremony para kay Manuel L. Quezon noong Araw ng Quezon, Agosto 19. Nagkaroon din sila ng pagkakataong makisaya sa Niyogyugan Festival at makapasyal sa ilang mga museo at tourist spots ng lalawigan.

“Not all provinces have that culture or festival, ‘di ba? Amazed na amazed ako sa Niyogyugan Festival. Sobrang gastos, ngunit magandang maisulong ang kultura ng lalawigan. Sobrang technology-driven na tayo ngayon, ngunit mahalaga ring gastusan ang ganitong proyekto, wow,” muling ibinahagi ni Borja.

Ang TOSP ay taunang paghahanap at pagbibigay-gawad sa sampung natatanging mag-aaral sa buong bansa na nangunguna sa akademiks at leadership na may social responsibility.

LEAVE A REPLY